Linggo, Setyembre 6, 2015

BATANG DRIVER

Sa edad na 21 naging Dump Truck
Driver/Mechanic ako sa isang maliit na kompanya .Hindi naging madali ang mga pinagdaanan ko habang nasa trabaho ako. Mahirap ang maging isang driver lalo na kung ikaw din ang gagawa kung sakaling masira ang iyong dinadalang sasakyan. Maraming hirap akong napagdaanan at ito ang isa sa dahilan kung bakit ko ipinagpatuloy ang aking pagaaral. 





Dahil sa mga naranasan ko habang nagtratrabaho
ako naisip ko mahirap talaga ang buhay ng isang driver.





Akala ng karamihan madali ang pagiging isang driver at naka upo lamang at may sahod. Ang buhay ng isang driver habang siya ay nasa byahe ay nakakapagod at maaring masiraan o makabangga ng ibang sasakyan.kung minsan naman ay nahoholdup pa sa daan.
 Maraming pwede mangyare sa daan na maaring maging sanhi ng pagkamatay ng mga driver, tulad ng pagkahulog sa bangin pag walang preno at nakakatulog habang nasa byahe dahil sa pagod.
Ang ibang driver ay ginagawa ng bahay ang kanilang sasakyan dito na sila natutulog,kumakain. Tulad ng aking naranasan noon nagmamaneho ako ng dumptruck at kaylangan namin hindi umuwi upang makabyahe ng marami para malaki ang aming kita sa isang araw.Kahit pagud at kulang sa tulog kaylangan gawin namin sa initan ang sasakyan pag kami ay nasiraan.






Hindi rin maiiwasan na magkaroon ng sabitan sa daan dahil my ibang driver na kulang sa kaalaman at hindi maalam magbigay daan sa ibang kapwa driver. 





MGA LARAWAN















Walang komento:

Mag-post ng isang Komento